E P R O T S

panu ba nagsimula ng isang karumal dumal na krimen?
Isang araw nung high school days, merong isang lalaki na hangang hanga sa isang babae. Nasa ika apat na taon siya at ung hinahangaan nia ay nasa ikatlong taon na. Enero 14, hiningi ng babae ang kanyang linya sa telepono pero laking lito ng lalaki kasi bakit nia hinihingi eh meron siyang nobyo nung mga araw na un pero laking tuwa din ng lalaki kasi matagal na daw silang hiwalay……sa bagay nde naman sila bagay sa isa’t isa, ung lalaki ang bansot tapos ang daming butlig sa mukha….tsk tsk tsk, ang laki ng pagkakaiba nila tapos ung babae naman na hinahangaan ng unang lalaki na nabanggit eh simple lang ang kagandahang angkin. Maputi, chinita, may pagka chuby pero nde naman sobrang taba…hmmmp…..basta ang ganda niya sabi ng lalaki. Marami ding humahanga sa kanya sa paaralan dahil sa taglay niyang karikitan. Ayon na nga nagsimula ang kauna unang pagbababad sa telepono ng lalaki sa buong buhay nia. Dun din nagsimula ang pag aangat ng kanyang musmus na labi, dun na nagsimula tumibok ang pusong mangmang na tila nabuhayan kasunod nito ang walang tigil na dagundong na kaba sa dibdib sa tuwing naririnig niya ang kanyang tinig sa telepono, dun din nagsimula ang sermon sa kanya dahil telebabad na siya, dun din nagsimula ang katagang "love is corny". Wala ng paligoy ligoy ang binata at sinabi nia sa linya na pwede ba daw siyang maging ika una at ang huling sayaw sa darating na JS prom. Siempre tanga naman ang dalaga at sinabi niyang "oo ayos lang saken un". Hindi rin kasi alam ng binata na matagal na din siyang hinahangaan ng dalaga simula nung nasa ika ung taon pa lang siya. Nung una nga daw niyang kita sa binata halos nde mawalay ang pagtitig niya dito. Ang binata sa kwento ay simple lang din, payat, nde naman kagwapuhan, nde naman katangkaran, kahit papano eh sikat naman siya sa paaralan. Nagtanong ang binata sa telepono "bakit ka nga pala na pumayag na maging una at huling sayaw ako?" at ang sagot naman ng dalaga eh "wala lang nde ko rin alam eh" un ang kanyang sagot. Nagtanong ule ang binata "bakit ako eh ang pangit ko para seo na ubod ka ng ganda?" at ang sagot ng dalaga "nde naman ako mapili sa mga kalalakihan, wala saken ang pang labas na kaanyuan ng isang lalaki" Na pa w0w ang lalaki, sa isip isip niya sa bagay ung dati niyang kalaguyo ubod din na kasang sangan ng kapangitan….tsk tsk tsk, nde hamak na lamang siya ng kaunti lang naman. Lumipas ang isang buwan, malapit na rin idaos ang nasabing programa pero mai nde kasiguruhan sa binata. Tumawag ang lalaki sa dalaga at sinabi nia "panu kung nde ako makadalo? ayaw kasi akong payagan ng nanay ko eh" nde kinibo ng dalaga ang binata. Gumawa ng paraan ang binata para payagan ito. Binilhan niya ng cadbury milk chocolate ang kanyang pinakamamahal na ina. "Nay maligayang valentines po" na may kasamang sulat na laging niyang ginagawa sa ina simula pa nung pinagalitan siya, un unang sulat na tungkol sa paghingi ng tawad sa lahat ng kapasawayan nia. Hinahaluan niya ito ng kaunting likha kasi mahilig siyang magkulai. Ayon na nga binigyan na siya ng pera pang dalo sa nasabing programa, siempre laking tuwa ng anak. Isang umaga bago isapit ang ang gabi ng JS, binigyan niya ng sulat ang binat, sabi niya huwag niyang babasahin sa harap niya, basahin na lang sa bahay pagkauwi. Siempre isa kasing tanga ang binata at ginawa niya ang sinabi ng dalaga sa kanya. Pagkabasa niya sa bahay ito ang nakasaad sa sulat ng dalaga:
Magandang araw seo, alam mu bang nde ako makatulog sa gabi kakaisip seo
alam kung baka nde mu na ako kausapin pag nabasa mu na ito dahil sa totoo nyan
lubos akong humahanga seo, nde ko alam ang mangyayari kapag napunta ka isa iba
kaya uunahan na kita ng sa kanila. Sana makita kita sa JS mamaaya.
Sarang heyo! (iniirog kita sa korean)
watashiwa anaya desu! (sa hapon naman ang version na un)
Gwave nde makapaniwala ang binata sa binasa. Halos sumabog ang kanyang puso sa nde maipaliwanag na kaba at sobrang tibok nito. May halong tuwa at pagsusumamol ang binata sa kadahilanang ngaun lang siya nakaranas ng mismong babae ang umamin sa kanya. Kaya aun bago siya nagbihis at nagpa gwapo gumawa din siya ng sulat tungkol sa nabasa. Sinulat niya dito na ganuun din ang nararamdaman niya sa dalaga. Nakabilot pa ang sulat niya na may halong pabango. Sumapit na ang JS huli na ng dumating and dalaga, talagang hinihintay niya ito at ayun na nga dumating na. "Wow! siya ba un?" ang ganda ng suot niya parang kinulektang mga pira pirasong mga tela, ang ganda ng blending ika nga. Nung una niyang agaw pansin sa binata eh nde niya ito narinig kaya sabi niya "mamaya na lang kakausapin pag sayawan na". Magkahiwalay kasi ung mga nasa ikatlong pavilion sa ika apat. Nagsimula na ang sayawan, siempre ung magkaka baitang muna ang magsasayawan at ito namang binata talagang nde siya nakisayaw sa mga kaklase at kakilala niya sa kanilang baitang. Sumapit na ang exchange ng sayawan. Siempre ito namang tuod na binata naka dungaw lang sa dalaga. "Ang sakit!" nakita niyang meron na siyang ibang sinayaw, nakita niyang pinilit lang siya ng mga ito. Naunahan ng kaba at hiya ang binata dahil sa dami ang gustong makisayaw sa kanya. Wala siyang sapat na lakas ng loob para sabihin ang tunay na nararamdaman niya sa kanya na mas maganda siguro kung personal niya itong ibibigay ang sulat na ginawa niya kaso talagang nde siya makaalis sa kinatatayuan niya na para bang mai nakadikit na sobrang kapit kung makadikit. Nang sandaling iyon mga alas nwebe na ng gabi at wala pa rin siyang nasasayaw kahit isa. Malapit ng matapos ang pagdiriwang wala pa rin. Nakakuha siya ng bwelo para lumapit kaso bigla namang umepal ung isang lalaki at bigla siyang inaya muling sumayaw. "Nakakasar talaga oh!" Lumipas na ang oras hanggang sa mag alas diyes na.
"paging mr. eprots! paging mr. eprots! nandito na ang nanay mu sa labas ng gate pinapauwi ka na! bilisan mu daw!"
"Grr…..!!!! naku wala ng pag asa to, nde ko na siya maisasayaw ng tuluyan, andyan na nanay ko" Umalis ng nakayuko ang ulo ng binata, ipinamigay na lang niya ang natatanging sulat sa kaklase. Umalis ng luhaan ang binata, nde mapigil ang pagdaloy ng luha na para bang isang malakas na ulan na tumatagos ang tubig kahit anu pa ang daanan nito.
"Nay…..huhuhuhu…." }:"(


2 Comments so far

  1.   Jomar on October 15th, 2008

    sayng naman arrel.. hindi mo nasabi? nasan na sya now? =”(

  2.   arrelius04 on October 16th, 2008

    ewan ko..wala na ako balita eh…..hehe salamat nga pala sa comment hehe…kala ko walang magcocoment sa blogo ko eh….tsalamat tsong!!!hehe

Leave a Reply

You must be